Mowelfund Film Museum

Mowelfund Film Museum

Mga kasapi:

Martin Nathan Alberto

Liezel Camarillo

Marife Gumba

Raymond Paul Pineda

Julian Kevin Rivera










Ang mga ito ay ilan lamang sa mga bagay na makikita sa museo:



Ang life size na manikin ni Jolina Magdangal






Ang lumang modelo ng telebisyon na nakasilid sa kahoy na kabinet






Mga aktwal na props na ginamit sa ilang pelikulang horror tulad ng Aswang, Spirits, atbp.






Koleksyon ng mga litrato ni Nora Aunor






Mga tropeyo ng parangal na tinanggap ni Eddie Garcia











Ilan pang mga tropeyo na inani ng malalaking pangalan sa industriya








Mga lumang kagamitan sa paggawa ng pelikula







Ang aktwal na kahoy na manikin ni Cesar Montano na gumanap sa pelikulang Machete









Mga damit at costumes ng ilang artista













ALAM NIYO BA NA...



Noong Enero 1, 1897, naganap ang unang pampublikong panunuod ng pelikula na ginanap sa No. 12 Interior, Escolta, Manila gamit ang isang "cronofotografo".






Si Don Jose Nepomuceno ang unang Pilipinong gumawa ng pelikula. Siya ang tinaguriang "Father of Tagalog Films". Noong 1917, itinatag niya ang unang kumpanya ng pelikula sa bansa, ang Malayan Film Studio. Ilan sa mga pelikulang nagawa ay Dalagang Bukid(1919), Punyal na Ginto, atbp.





Ang 1950s ang itinuturing na "Golden Age of Philippine Cinema". Ilang mga internasyonal na pagkilala ang iginawad sa mga Pilipinong nagpunyagi sa larangan ng pelikula. Ang apat na pinakamalalaking film studios ng panahong ito ay ang LVN, SAMPAGUITA, PREMIER at LEBRAN.





Si Dolphy ay sumikat noong dekada '60 at isa sa mga pangunahing bituin ng mga pelikula noong panahong iyon. Sumikat siya sa mga pelikulang Pacifica Falayfay at Pepeng Kidlat.





Ilan sa mga pinasikat na linya ni Nora Aunor ay:
"Sinungaling! Sinungaling!" (Tatlong Taon Walang Diyos, 1976)
"My brother is not a pic!" (Minsa'y Isang Gamo-Gamo, 1976)
"Walang himala, nasa puso ang himala!" (Himala, 1892)
"I did not kill anybody." (Flor Contemplacion Story, 1995)






Ang Rommel Billiard Table sa imahe sa itaas ay regalo ni Fernando Poe, Jr. sa kanyang kaibigang si Dr. Mahar Mangahas noong 1996 at ipinaubaya sa Mowelfund Film Museum noong Oktubre 2006. Ito rin ang billiard table na ginamit sa pelikulang PAKNERS nina FPJ at Efren "Bata" Reyes.






Si Vicente Salumbades ang gumawa ng pelikulang Ang Tatlong Hambug noon 1926, kung saan naitampok ang kaunaunahang paghahalikan sa pelikula (screen kiss) sa bansa. Ito'y kinatampukan nina Elizabeth Cooper at Luis Tuason na siyang gumawa ng eksena.





Ang pelikulang Punyal na Ginto noong 1933 ang unang pelikulang Tagalog na nilapatan ng tunog. Itinampok sa pelikulang ito si Alma Bella.





Si Rosa del Rosario ang pinakaunang lumunok ng bato at sumigaw ng "Darna!". Siya ang pinakaunang aktres na gumanap bilang Darna.








Ang Dyesebel na pinagbidahan ni Alice Dickson ay kinunan sa pool na ito. Ang pool na ito ay nasa loob mismo ng Mowelfund Film Museum. Ang pinakamalalim na bahagi ay nasa 9 na talampakan.







Ang espadang ito ay ang orihinal na espadang ginamit ni Fernando Poe, Jr. sa kanyang pelikulang Panday. Sa kasalukuyan, ito ay nasa pangangalaga ng Mowelfund Film Museum at nakalagak sa FPJ Hall.







Ang pelikulang Zamboanga ay pinagbidahan ng ama ni FPJ na si Fernando Poe, Sr. at ng kilalang aktres na si Rosa del Rosario noong 1973. Si Fernando Poe, Sr. ay ang modelong ginamit para sa eskulturang tinatawag na Oblation.






Nais naming pasalamatan ang mga sumusunod:

Dir. Edgardo "Boy" Vinarao para sa mga impormasyon na ipinamahagi sa amin.
Kuya Alfie Macadangdang para sa pagsama sa amin upang malibot ang buong museo.
G. Jose Wilfredo Rivera, Jr. sa pagsama sa amin sa museo.






MARAMING SALAMAT SA PAGBABASA.

Magandang araw sa lahat!






---



Para sa mga karagdagang litrato, maaaring pumunta sa link na ito:

http://isheliezel.multiply.com/photos/album/285




1 comment:

  1. zamboanga film 1937, not 1973! did you know that fernando poe sr. was died on 1951? anyway thanks a lot!

    ReplyDelete